Buntong-Hininga, Awit ng Buhay
Alapaap sa puso'y minsanan kung maglaho,
Ang agos ng buhay bumabalong ang pagtutop,
Hibla ng hininga'y sadyang di matanto,
Ang pagbuntong-hininga'y di lubusang maarok.
O bakit ba buhay, bakit ka nagkakaganyan?
Aking kapalaran iyong pinag-iiba-iba.
Panahon ang siyang sa aki'y mapagbigay...
Bakit ang tadhana'y sa'ki'y tumamlay?
Talampas ng ligalig ang aking narating,
Sa kanlungan ng paglaki... dagok... mapaniil na hilahil,
Ang ulap sa langit ko'y batang iyakin,
Ang lupa sa daigdig ko'y matandang sumpungin.
O bakit ba ang minsa'y hindi rin dumarating?
akit ang sandali'y tumatagal... lumalalim?
Ang buntong-hininga ko'y minsan at sandali,
Buntong-hininga ko'y isang bata't isang sumpungin.
ikot ng mundo ay ikot rin ng buhay,
Ang lakad ng tao'y usad ng pag-unlad,
Ang tinig ng isa'y himig ang handog,
Ngunit bakit ang buntong-hininga ko'y sama ng loob?
Ang luha ay tubig, ang galit ay apoy,
Ang pag-asa ay hangin, ang sigalot ay bato,
Tunay nga na ang buhay... patuloy kung bumalong,
Habang sa pagbuntong-hininga'y nagpapatuloy.

No comments:
Post a Comment